Ang Hapunan bow!
Tinawagan ko ang aking anak kahapon, habang ako ay nasa opisina.At napunta ang aming usapan sa pagkain. Tinanong ko sya kung kumain na sya at sumagot naman sya ng opo. Nang napunta sa Hapunan ang aming usapan.
JJ: Mommy ang hapunan ay kinakain sa gabi?
Mommy: Ha? Hindi po, ang english ng hapunan ay dinner, kaya sa gabi ito kinakain.
JJ: Hindi mommy, sa hapon ang hapunan, tingnan mo may hapon oh. Hapon – Hapunan, eh di sa hapon.
At tawa na kame ng tawa. Ang alam ko sya ay nagbibiro lamang, dahil wala rin syang tigil sa kakatawa. Siguro natatawa rin sa sarili nya. LoL!
Ang sabi nga ng kasamahan ko sa trabaho, mayroon syang Deductive reasoning.
Ang mga bata nga naman oh!
**My Apologies to my foreign visitors(if there are
) if you can’t understand my post, this is just about a funny conversations with my son yesterday, we speak our local language at home.**







that’s so cute! kakaaliw, may point nga naman ang anak mo.
yeah I need to use translator to see
hahaha..good reasoning..